Menu

Tagalog Pinoy Horror Story

Maymomoo! - Mangamba... manginig... takbo!

The Philippines top horror story archive.

New Horror Stories

KAMA

Story Rating:

This happened to me when I was young, I think 13 palang ata ......

 Fiction Lalaking Nagmamasid

Story Rating:

Itong istorya na ito nagsimula nung mga panahong nagsialisan......

Ang lalaking walang Mukha 3 (Short Story)

Story Rating:

kararating lang ng kapatid kong lalaki dito sa cebu almost......

Hatinggabi

Story Rating:

Pumunta kami don sa probinsya namin sa Samar para mag bakasy......

Kalabog (Short Story)

Story Rating:

Ako po yung dating nagkwento ng " Anino". Gusto ko po ulit s......

Takot ako!

Story Rating:

Ako nga pla si Jia at ngayon ay 32 anyos na ako. Nais ko lng......

3 Times Knock (Part 1)

Story Rating:

I am 21 years old, and at my age hindi talaga ako naniniwala......

Lalaking walang mukha 2

Story Rating:

Nangyari po this year lang, mga march po siguro ito ay bas......

lalaking walang mukha

Story Rating:

Ako po si kenie at dito po ako ako sa cebu ng tatabraho ......

"Kilabot Sa Bahay Namin"

Story Rating:

Naaalala ko pa noong nasa ika 7 baitang palang ako. Nung, in......

Top Horror Stories

Ang Liham...

Story Rating:

Parang nawala ako sa sarili ko. Kumikilos ako ngunit hindi n......

Toll Plaza

Story Rating:

Isa akong ex-toll teller, kame ay inihahated at sinusundo ng......

Elemento o Demonyo?

Story Rating:

6 years ago nagtrabaho ako sa isang fast food chain kung saa......

Mga Patak ng Tubig

Story Rating:

Kwento ito ng isang kaibigan ko. Namatay ang asawa nyang lal......

Jollibee Scare 2

Story Rating:

Ang kwento, may namatay daw na dating crew sa store namin, p......

The Gifts

Story Rating:

Ipinanganak akong may kakayahang na makakakita, makakarinig,......

"Kilabot Sa Bahay Namin"

Story Rating:

Naaalala ko pa noong nasa ika 7 baitang palang ako. Nung, in......

Horror Stories

Story Rating:

Nangyari ito nung nagaffiliate kami sa Cebu for psych. Doon ......

Check-in

Story Rating:

Wala akong magawa kundi magpalipas ng gabi sa Baguio nang ma......

Simbang Gabi (A Demon in the Catholic Church)

Story Rating:

A true story revelation of seeing a real demon in the Cathol......

New Fictional Horror Stories

 Fiction Lalaking Nagmamasid

Story Rating:

Itong istorya na ito nagsimula nung mga panahong nagsialisan......

 Fiction Duty sa Ospital ng Maynila

Story Rating:

Isa sa mga hindi ko makakalimutan karanasan nuong ako ay est......

 Fiction Ang Bahay namin

Story Rating:

Sana po matulangan nyo ako dito at malinawan man lang. Ito a......

 Fiction Gusto

Story Rating:

Nung bata pa ko, di talaga ako naniniwala sa mga multo o kwe......

 Fiction Text Message

Story Rating:

Bandang 2:30 am hindi pa ako natutulog so naisipan ko na man......

 Fiction Sing-Sing

Story Rating:

Isang Sepulturero si Kian sa isang public cemetery. Siya ang......

 Fiction Mahal Kong Impakto

Story Rating:

Sa loob ng isang maingay na night club, maraming tao ang nag......

 Fiction The Horror Lab (A short story)

Story Rating:

Agosto 19, 1989. 3:00 AM. Natapos gawin ang Lab ng monterser......

 Fiction Room66

Story Rating:

Ito ang araw kung kailan mayroon kaming school fair sa aming......

 Fiction Nandito na sila

Story Rating:

Isa akong business man. Mahilig akong bumili ng lupa dahil n......


Pinoy Horror Story



Story Rating

Rated (2/5)
by 3 user(s)


Hello ako po si Mike nais ko lang po ishare ang isa sa mga nakakatakot kung experience nawa po maipost niyo ito.


I came from a underprivileged family kaya during high school nakagawian ko ng magpasada ng pedicab tuwing gabi para pandagdag baon. Kadalasan nagpapasada ako mga alas 7:00 ng gabi hanggang 10:30 or minsan umaabot din ako ng 11:00 ng gabi saka ako uuwi.


Isang beses mga bandang 11:00 na ng gabi napagdesisyonan kong umuwi na dahil parang wala ng masyadong pasahero at habang pauwi ako napadaan ako malapit sa palengke ng biglang may pumara sa aking isang matandang babae. Marami siyang dalang bayong na punong puno ng gulay at ang damit niya typical na damit ng mga matanda ngunit pawang itim ang kulay ng palda at ng blouse. Dahil sa dadag kita din iyon napagdesisyonan kong ihatid siya kaya dali-dali ko nang kinarga ang dala niyang gulay, at pinasakay ko na siya ng pedicab.


"Saan po kayo magpapahatid lola?" wika ko. "Doon lang ako sa pinakahuling kanto ng subdivision iho yung malapit sa ilog" sagot naman niya. Noong una'y wala naman akong napapansing kakaiba liban sa sobrang tahimik lang niya na parang hindi siya kumikibo. Ngunit sa kalagitnaan nagtataka ako kasi sa tuwing dadaaan kami sa mga madidilim na parte ng subdivision na iyon ay bigla na lang naninindig ang balahibo ko at bumibigat ang aking pakiramdam ngunit hindi ko pinansin iyon. Noong narating na namin ang lugar na sinasabi niya napagtanto kong dead end na pala iyon at nasa gilid ng highway.


"Andito na po tayo lola" wika ko sa kanya. "Iho pwede mo ba akong ihatid doon sa sa dulo?" tugon niya sa akin. Tiningnan ko ang tinuturo niya ngunit puro malalagong halaman at talahiban ang daanan patungo sa madilim na parti. Walang ilaw o bahay at malapit sa pangpang ng ilog. "Lola hanggang dito na lang po ako siguro kasi madilim na po diyan at wala ng kabahayan baka mamaya pagbalik ko may mga masasamamang loob diyan at kung ano pa ang mangyari sa akin.


"Dodoblehin ko ang bayad ko sayo ihatid mo lang ako sa banda doon" tugon niya. "Sorry po talaga hanggang dito nalang talaga ako" sagot ko sa kanya. Bigla siyan bumaba at inabot sa akin ang bayad ngunit parang galit. Kaya binaba ko narin ang mga bitbit niyang gulay. inikot ko ang pedicab at nilapit sa may gawing semento na daan at laking gulat ko paglingon ko sa likod wala ng tao. Wala na ang matanda at wala na rin ang mga bayong na may lamang gulay.


Sa sobrang kaba ko ay napatakbo akong hinihila ang manibela ng pedicab. Noong makarating ako sa bandang maliwanag at maraming bahay sumakay ako sa pedicab binilisan ko ang padyak at lahat na ata ng dasal inusal ko na sa sobrang takot. Mga pasado alas 12 ng gabi pawis na pawis akong dumating ng bahay at bigla akong nakaramdam ng sakit ng tiyan, parang nasusuka at nilalamig. Tinanong nila ako kung anong nangyari kaya ikinuwento ko ito. Noong hinawakan ni nanay ang aking noo nagulat siya dahil parang inaapoy ako ng lagnat. Nagkataon namang malapit lang ang bahay ng matandang manggagamot na kakilala niya kaya dali dali niya itong ginising para matingnan ang kalagayan ko.


Noong nagsimula ng umusal ng dasal ang matanda biglang may narinig kaming may kumalabog sa bubungan na parang may malaking hayop na dumapo. "Andito siya sinundan ka niya" sabi ng matandang mangagamot. Kaya biglang lumabas ng bahay ang tito ko daladala ang kanyang baril at flashlight. Laking gulat nya ng tinapat niya ang ilaw ng flashlight sa isang puno ay may nakita siyang malaking ibon na nanlilisik ang mga mata ngunit hindi niya maaninag ang mukha kasi nagkukubli sa dilim. Walang ano-anoy pinaputokan niya ito. Parang baboy ang huni at mabilis itong lumipad palayo hanggang sa mawala na sa paningin niya. Noong pumasok siya pabalik sa loob ng bahay nagtaka siya dahil pawis na pawis ako. Wala na akong lagnat at nawala narin ang sakit ng tiyan ko. Sabi sa amin ng matanda aswang daw iyon at gutom na gutom mabuti na lang daw mataas ang aura ko kaya hindi niya ako basta basta nagalaw noong hinatid ko siya pero balak daw talaga nyang biktimahin ako. Pero salamat sa Diyos at walang nangyari sa aking masama. Minsan pagnaaalala ko ang karanasang ito may mga pagkakataong natatakot parin ako.


-tne


  

Story Archive