The Philippines top horror story archive.
Story Rating:
...
Story Rating:
This story happened way way long ago, let's start. My mom wa......
Story Rating:
Unang linggo ng buwan ng Enero 2006 ng mangyari ang isang tr......
Story Rating:
Nung nasa basement na kame pag bukas palang ng bestfriend ko......
Story Rating:
Sunday ng tanghali nun, nagluluto ang pinsan kong si kuya JR......
Story Rating:
Sobrang bigat na ng kung ano mang bagay ang naka dagan sa di......
Story Rating:
People say we shouldn't be scared of the dark. It's because ......
Story Rating:
Sa isang maliit na Sitio sa isang isla malayo sa pamayanan m......
Story Rating:
Ms. ano ho ang kailangan nyo at sino ang hinahanap nila? hin......
Story Rating:
Ang mundo ay nababalot ng misteryo at kababalaghan. Kahit na......
Story Rating:
4th year high school ako noon, janitor ang tatay ko sa eskwe......
Story Rating:
When I was around 10 to 12 years old, I used to hear unusual......
Story Rating:
year 2008 na isipan nila mama and papa na mas palakihin pa y......
Story Rating:
This story happened last 2014 my best friend kasi akung boy ......
Story Rating:
pero para may feeling na nag pu push kay myca na lumingon ul......
Story Rating:
It happened way back 2004 i think maliit pa yung bahay namin......
Story Rating:
Ang kwentong ito ay mula pa sa kabataan ko at ako'y pitong t......
Story Rating:
This happened to me when I was young, I think 13 palang ata ......
Story Rating:
Itong istorya na ito nagsimula nung mga panahong nagsialisan......
Story Rating:
kararating lang ng kapatid kong lalaki dito sa cebu almost......
Story Rating:
Parang nawala ako sa sarili ko. Kumikilos ako ngunit hindi n......
Story Rating:
Isa akong ex-toll teller, kame ay inihahated at sinusundo ng......
Story Rating:
6 years ago nagtrabaho ako sa isang fast food chain kung saa......
Story Rating:
Kwento ito ng isang kaibigan ko. Namatay ang asawa nyang lal......
Story Rating:
Ang kwento, may namatay daw na dating crew sa store namin, p......
Story Rating:
Naaalala ko pa noong nasa ika 7 baitang palang ako. Nung, in......
Story Rating:
Ipinanganak akong may kakayahang na makakakita, makakarinig,......
Story Rating:
Nangyari ito nung nagaffiliate kami sa Cebu for psych. Doon ......
Story Rating:
Wala akong magawa kundi magpalipas ng gabi sa Baguio nang ma......
Story Rating:
Iba ang naging takbo ng gabing iyon. Madalas ang alulong ng ......
Story Rating:
A true story revelation of seeing a real demon in the Cathol......
Story Rating:
September 8, 2017 dito nagsimula lahat around 10:00 pm hindi......
Story Rating:
...
Story Rating:
When I was around 10 to 12 years old, I used to hear unusual......
Story Rating:
Ang taon na nagbuntis ako sa panganay kong anak, Ang baha......
Story Rating:
Unang linggo ng buwan ng Enero 2006 ng mangyari ang isang tr......
Story Rating:
Noong buhay pa ang aking lola ay hilig niyang mag tanim ng m......
Story Rating:
Gusto ko lang ishare sa inyo yung experience namin ng mga ka......
Story Rating:
Sunday ng tanghali nun, nagluluto ang pinsan kong si kuya JR......
Story Rating:
This will be the very first time that I will share my experi......
Story Rating:
Sa isang maliit na Sitio sa isang isla malayo sa pamayanan m......
Story Rating:
Ms. ano ho ang kailangan nyo at sino ang hinahanap nila? hin......
Story Rating:
Itong istorya na ito nagsimula nung mga panahong nagsialisan......
Story Rating:
Isa sa mga hindi ko makakalimutan karanasan nuong ako ay est......
Story Rating:
Sana po matulangan nyo ako dito at malinawan man lang. Ito a......
Story Rating:
Nung bata pa ko, di talaga ako naniniwala sa mga multo o kwe......
Story Rating:
Bandang 2:30 am hindi pa ako natutulog so naisipan ko na man......
Story Rating:
Isang Sepulturero si Kian sa isang public cemetery. Siya ang......
Story Rating:
Sa loob ng isang maingay na night club, maraming tao ang nag......
Story Rating:
Agosto 19, 1989. 3:00 AM. Natapos gawin ang Lab ng monterser......
Story Rating:
Ito ang araw kung kailan mayroon kaming school fair sa aming......
Story Rating:
Isa akong business man. Mahilig akong bumili ng lupa dahil n......
Story Rating:
Sa kabundukan ng masukal na probinsya ng Bicol, may nakatira......
Story Rating:
Gabi ng biyernes nung nag-sleep over ako sa bahay ng kaibiga......
Story Rating:
Ako si Angela at ibabahagi ko sa inyo ang aking karanasan sa......
Story Rating:
Ito na nga ang aking kuwento. Ang Kaibigan ko si Nicole napa......
Story Rating:
Hi Admin, gusto ko lang i-share yung story ni Papa na itatag......
Story Rating:
Isang gabi may babaeng naglalakad pauwi sa kanilang bahay. M......
Story Rating:
Nang kami ay nasa gusali na pasado ala-siyete na ng gabi, me......
Story Rating:
Si Marjorene ay isang masipag at mabait na anak na pangalawa......
by 103827
All story content featured on this website are sole © Copyright of Maymomoo! and in such may not be downloaded, reproduced, copied, edited or used in any way without written permission from Maymomoo! Admin.
All rights reserved. Maymomoo! © Copyright 2006-2020
Rated (3/5)
by 1 user(s)
Isang private elementary school sa Bustos Bulacan ang nagkaroon ng fieldtrip. At ang kanilang destinasyon ay sa gawing Ilocos.
Dalawang bus ang lumakad nang umagang iyon. Lulan ang mga estudyante mula kinder hanggang grade six. May ilang batang kasama pati ang magulang. Pina-payagan naman iyon basta magbabayad ng fare ang chaperone ng estudyante.
Ang mga guro ng paaralan pati na ang principal ay kasama sa fieldtrip na iyon. At ang una nilang destinasyon ay isang old museum. Sa museum na ito matatagpuan ang mga lumang bagay na nagmula pa sa iba’t ibang panahon at nagawang i-preserve.
Mainit ang gina-wang pagtanggap ng nakatalaga roong receptionist sa mga bisita. May dalawa pang tauhan ang museum na umaasiste. Sadyang bukas ang museum para sa mga estudyante at maging sa mga turista.
Pinapila ng mga guro ang kanilang mga estudyante. Ang ilang mga magulang o chaperone ay sa gawing hulihan pinapila.
Nagbigay ang museum guide ng ilang guidelines, mga do’s at don’ts sa sandaling nasa loob na ng museo ang mga bata.
Sa pangunguna ng principal, isa-isa nang pumasok ang mga bata.
“Mga bata, huwag malikot ha,” huling habilin pa ng principal. “Huwag kayong aalis sa pila ninyo.”
“Yes, ma am!” halos panabay na sagot ng mga munting tinig.
Sa bukana pa lang ay naaliw na ang mga bata sa kanilang nakita. Bakas sa mukha ng mga ito ang kuryosidad sa mga bagay na noon lang nila nakita.
Maging ang mga guro ay na-engrossed na rin sa pagmamasid sa paligid. Maayos sa kanya-kanyang puwesto ang mga lumang bagay na nagpapakita at nagpapaliwanag ng kasaysayan ng Ilocos.
May mga lumang damit, lumang unipormeng pansundalo, mga baril, sumbrero at marami pang bagay na alaala ng matandang kasaysayan ng Ilocos at ng ilang bahagi ng Pilipinas sa nagdaang panahon.
Ang bawat display ay may kalakip na paliwanag na malinaw na nakalimbag sa isang papel at nakadikit sa ilalim na bahagi ng display.
Bagamat may instructions ang guide, hindi pa rin naiwasan ang paglilikot ng ilang bata. Dala na rin ng kuryosidad ng mga ito.
“Ang gara ng isang ‘yon, o! Parang baril ni Batman!”
Tawanan ang ilang bata. Isang guro naman ang pumaswit bilang pagpapatahimik sa mga ito.
Pagdating sa kalagitnaang bahagi ng museum, lalong na-amaze ang mga bata dahil naroroon ang mga bagay na maaari nilang sipatin ng malapitan at higit sa lahat, maaari nilang hawakan o galawin.
“Mga bata,” muling sabing-paalala ng guide. “Kailangan na maging maingat lang sa paghawak para hindi masira ang mga ‘yan ha.”
Nagkanya-kanyang puwesto ang mga bata. Dahil sadyang bago sa paningin, maging ang mga guro ay nalibang na rin sa pagmamanipula sa mga naroroong bagay. Kaya hindi napansin ang dalawang bata na waring nagpipilitan sa isang bahagi ng museum.
“Mapapagalitan ka sabi ni ma’am, e,” paanas lang na sabi ng isang bata.
“Hindi sabi. Huwag kang magsusumbong. Galit na tayo pag nagsumbongka.”
“Pero…”
“Ayan iiwan na niya ako.. .basta babalik ako sabi.”
Hindi na ito napigilan pa ng kaibigan. Walang nagawa ang bata kundi ang makihalubilo sa iba pa niyang mga kaklase.
Makaraan ang ilan pang minuto, isa-isa na ulit sa paglabas sa museum ang lahat. Umasiste na ang mga guro sa pagpanhik ng mga bata sa loob ng bus.
“Magsiupo na kayo ng maayos at tumahimik. Tingnan ang mga katabi ninyo. Nand’yan na ba lahat?”
“Ma’am! Ma’am, si Andy po wala pa!” sigaw ng isa.
“Ha? Si Andy? Nasaan si Andy?”
Hindi sumagot ang batang pumiyok. Naalala kasi ang sinabi ng kaklase na magagalit ito kapag nagsumbong.
“Bert, tinatanong kita. Nasaan si Andy?”
“H-Hindi ko po alam, Ma’am.”
Halata itong kabado at asiwang tumingin sa guro. Tuluyang lumapit dito ang guro.
“Ano’ng hindi mo alam? Magsabi ka sa akin ng totoo, Bert. Nasaan ang katabi mo.. .nasaan si Andy?”
Napakamot na sa ulo ang bata. Bantulot sumagot.
“E, k-kasi po.. .umalis siya kanina, e. Pinigil ko pero.. .ayaw po niya papigil, e.”
Nagkatinginan ang mga gurong naroroon din sa bus na iyon. Sinaway ng ilan ang mga batang nagkakaingay na.
“Ano’ng problema rito?” ang principal.
Ito ang huling umakyat sa bus dahil nakipag-usap pa at nagpasalamat sa tauhan ng museum.
“Ma’am, may kulang hong bata.. .nawawala si Andy.”
“Ha?”
Ang principal at ang adviser ng bata ang muling nagbalik sa loob ng museum. Sinamahan ito ng guide sa paghahanap ng nawawalang bata sa loob.
Sa loob ng museum, sa madilim na sulok ay natagpuang umiiyak si Andy. Pilit itong pinakalma ng guro at principal. Hindi muna agad dinala sa bus. Sa halip ay pinaupo at pinainom sa reception area sa bungad ng museum.
“Ayaw mo ba talaga sabihin sa amin kung saan ka nagpunta, Andy? At bakit ka ba umiiyak ha?”
Humikbi si Andy na isang grade one pupil.
“O sige hindi ka na namin pipiliting umamin. Babalik na tayo sa bus ha?”
“O-Opo…”
Matapos muling magpasalamat ang principal ay umalis na ang mga ito. Saglit pa ay paalis naroon ang dalawang bus.
Noon lang nag-usap ang tauhan ng museum.
“Sa palagay ko nakipaglaro na naman ang guardia civil, ano sa tinginmo?”
“Malamang. Matuwain talaga sa bata ang guardia civil na ‘yon.”
A week later pa nang mapaamin ng magulang ang anak. Hindi inilihim ng guro at ng principal ang nangyari sa magulang ng bata Bagay natama lang nilang ginawa
Nang minsang ihatid ng magulang si Andy, naikuwento ng ina nito sa guro ang totoong nangyari.
“Lalaki daw ho ang tumawag sa kanya. Ang suot parang pulis at kulay brown. May sumbrero saka may mahabang baril pa raw. Pinahiram daw ho siya ng baril at tinuruan pa kung paano iyon gamitin. Pero binawi din sa kanya ang baril.. .ayun do’n na daw siya umiyak. Kasi gusto pa raw niyang makipaglaro ng baril-barilan.”
“Iyon pala ang nangyari. Pero.. .hindi kaya imahinasyon lang iyon ni Andy?”
“Ewan ko nga rin ho. Sabi nga ho ng asawa ko hindi na daw namin papayagan ang anak namin na sumama uli sa mga field trip na ganyan.”
“Huwag naman ho gano’n, Misis…”
Naging palaisipan sa guro ang ikinuwento ng ina ni Andy. Isang umaga sa pagpasok ni Andy ay tinawag nito ang bata at pinalapit sa kanyang mesa.
“May itatanong ako sa iyo, Andy. May ipapakita ako sa iyo at gusto ko tingnan mo itong mabuti ha.”
“O-Opo.”
Isang libro ang binuklat ng guro sa isang particular na pahina. Sa pahinang iyon ay may drawing na tao. Isang lalaking nakasuot ng uniporme. Isang guardia civil.
“O, nakita mo na? Ngayon itatanong ko sa iyo.. .nakakita ka na ba ng ganito, ha Andy?”
Saglit tumitig sa guro ang bata. Pagkuwa’y marahan itong tumango.
“Sigurado ka? Nakakita ka na ng ganito?” “0-Opo,Maam.”
“Ganito ang itsura? Ang suot? May sumbrero.. .may baril na ganito?”
Muling tumango si Andy. May diin nang paniniyak.
“Talaga? Saan ka naman nakakita ng ganito? Puwede mo bang sabihin sa akin? Kasi gusto ko ring makakita ng ganito, e.”
“D-Doon po sa… sa… doon sa pinuntahan natin.. .doon sa malayopo…”
“Sa museum ba?”
“Opo,Maam!”
Kumpirmado ang sapantaha ng guro. At iyon ay sinabi nito sa principal. Sa lumang museum na iyon ay marami ng nakapagtatakang kaganapan ang nangyari. Isa lang ang pangyayaring kinasangkutan ng batang si Andy.
Kung totoo mang guardia civil ang nagpapakita sa piling mga bisita ng museum, walang makapagsasabi. Ang may katiyakan lang, hindi imposibleng dalawin ng mga kaluluwang ligaw ang lugar na tulad ng museum. Lalo pa at puno ito ng mga bagay na bahagi ng kasaysayan ng nagdaang panahon.
All rights reserved. Copyright © 2006-2017
Maymomoo!™ is a site that features a collection of True Philippine Horror Stories, contributed by Filipinos worldwide, based on their personal encounters. Maymomoo! ™ is derived from two Filipino words "May" and "Momoo". "May" means "there is" and "momoo" which means "ghost".
Basically Maymomoo! ™ is an unsponsored site, that grows with audience participation. Donations, submissions and new information help the site to grow. It started to be online in 2006, and was developed by JAPworxs™. This site was bring into reality due to a ghost encounter that is believe to be true by the developer or the administrator of this site.
This site is developed and maintained by JAPworx™. The contents of this site is reserved for the use only of Maymomoo! ™
If you have any comments, suggestions or any other concerns. You may e-mail us at admin[at]maymomoo.com.
The LORD is my light and my salvation; whom will I fear? The LORD is the strength of my life; of whom will I be afraid? - Psalm 27:1
HS