Menu

Maymomoo! - Mangamba... manginig... takbo!

The Philippines top horror story archive.

New Horror Stories

Ang Bata sa Bahay

Story Rating:

Hello, bago lang ako sa site na to I'm a silent reader den, ......

 Fiction Kasakay

Story Rating:

Sabi ko imposible, nakasabay ko pa sya kanina sa dyip ng ala......

Psych ojt

Story Rating:

Share ko lang experience namin ng ojt kami way back 2015 at ......

Horror stories sa west

Story Rating:

Hi, first time ko lang po sa page/site na ito. Gusto ko lang......

Pitpit

Story Rating:

Nagsimula ang muli niyang pag gala nung sinimulang gawin ang......

Bakit laging Ako?

Story Rating:

Nasa 2nd Year Hs na ako Non, ng inihiwalay ako ng mama ng Kw......

Na-aswang

Story Rating:

Isa pang totoong kwento ng aswang. Kwento ito ng pinsan ......

Nakakakilabot na Karanasan

Story Rating:

We are on a late shift schedule, meaning 10am-12pm to 9PM an......

Wag Magbiro sa Patay

Story Rating:

Sa bisperas ng fiesta kami umalis, napaka tarik ng bukid na ......

 Fiction Manananggal

Story Rating:

Ilang linggo palang nakakalipas ay nakaramdam na ako na may ......

Top Horror Stories

 Fiction Tito Tope!!!

Story Rating:

Ilang minuto pa ay palakas na ng palakas ang mga galaw ni Ti......

Ang Liham...

Story Rating:

Parang nawala ako sa sarili ko. Kumikilos ako ngunit hindi n......

Mga Patak ng Tubig

Story Rating:

Kwento ito ng isang kaibigan ko. Namatay ang asawa nyang lal......

Jollibee Scare 2

Story Rating:

Ang kwento, may namatay daw na dating crew sa store namin, p......

Sa Zambales

Story Rating:

Itago nyo nalang ako sa pangalang Kristy. Mga 19 years old a......

Nagambala

Story Rating:

Iba ang naging takbo ng gabing iyon. Madalas ang alulong ng ......

Boarding house

Story Rating:

3rd year college na po ako sa isang private school sa Occide......

Nanay

Story Rating:

Tobong Occidental Mindoro po kami, that time hindi pa ganung......

Who is She?

Story Rating:

Ito naman ay experience ng pinsan ko. Same BPO kami, siya ka......

Kasabay

Story Rating:

Tinatahak ko ang mahaba at bako-bakong daan na napapaligiran......

New Fictional Horror Stories

 Fiction Kasakay

Story Rating:

Sabi ko imposible, nakasabay ko pa sya kanina sa dyip ng ala......

 Fiction Manananggal

Story Rating:

Ilang linggo palang nakakalipas ay nakaramdam na ako na may ......

 Fiction Ang Nakaputing Babae (Short Story)

Story Rating:

oong 2010 lumipat ang pamilya nina kuya ng bahay. Wala pa si......

 Fiction Sa Aming Bahay (Short Story)

Story Rating:

Minsan sa aming hagdan mayroon akong nakitang isang lalaking......

 Fiction Sing-Sing

Story Rating:

Isang supultorero si Ivan sa isang cemetery ng Laguna.Siya a......

 Fiction BARANG

Story Rating:

Nagsimula lang naman siyang magduda nang minsang makatanggap......

 Fiction Valentine Message

Story Rating:

"Look, hon, tingnan mo," nakangising sabi ng lalaki sa nobya......

 Fiction One shot horror story

Story Rating:

Katatapos lang maghugas ng mga pinagkanan si Aling Dory at i......

 Fiction Wardrobe

Story Rating:

Nakatira ako bahay na medyo bagu-bago kumpara sa mga bahay n......

 Fiction Nakapagtataka

Story Rating:

Nakatira ako sa isang condominium sa maynila at Sa 2nd floor......


Pinoy Horror Story



Story Rating

Rated (3/5)
by 3 user(s)


Tumira kami ng ate ko sa isang compound loob ng isang subdivision sa Tandang Sora Mindanao Avenue QC noong taon 2009. Kasama namin doon ang kanyang ka-live in partner na si jeffrey.


Bago palang kami lumipat doon, marami na ang nagsasabi samin na may multo sa bahay na 'yun. Hindi naman naniniwala 'tong si jeffrey dahil malapit lang naman doon ang bahay ng mga magulang nya. Pero kami ng ate ko naniniwala na may multo.


Sa loob ng compound na yun mag isang malaking puno ng mangga at sa ilalim nyun may dalawang bahay na magkatabi (up and down) na may isang kwarto sa taas. Sa likod bahay ay nakalagay ang dalawang CR na magkatabi.


Unang gabi ng pagtulog nila sa bahay na 'yun may kakaiba syang naramdaman at naririnig. Sabi ng ate ko, meron daw syang narinig sa kabilang bahay na naglalakad at may nag gugupit ng kuko. Pagkatangin daw nya sa orasan, pasado alas tres palang ng madaling araw. Binali wala nya ito at pinilit na makatulog muli.


Kinabukasan ng gabi, pagkatapos namin kumaen ng hapunan nag ready na kami ng gamit sa pagligo bago matulog. Dahil nasa likod bahay ang banyo kailangan naming lumabas. Nauna akong naligo kaysa sa ate ko. Dahil sa malalim na nga ang gabi nag pasama ako sa kanya. Wala pang nakatira noon sa kabilang bahay kaya bakanti yung kabilang CR pero ayaw namin gamitin dahil kahit titignan mo palang ito nakakatakot na. Habang ako ay naliligo, ang lakas ng pakiramdam ko na may tao o kung ano mang multo sa kabilang CR dahil yung gripo tumutulo. Hindi ako ganu kinabahan dahil nasa labas naman ng banyo ang ate ko (nakatayo, medyo malapit sa banyo). Kinilabutan ako ng biglang namatay yung ilaw, laking pagtataka ko dahil ang switch nyun ay nasa loob mismo ng banyo. Laking takot ko dahil ramdam kong tumawid sya mula sa kabila at nasa loob sya ng cr pero nilakasan ko yung loob ko, tinawag ko yung ate ko na parang normal na tawag lang para malaman ko kung andun pa sya.Yung sumagot sya sa pagtawag ko, biglang bumukas yung ilaw. Nagmadali akong maligo at alis ng banyo habang ang ate ko hindi na naligo dahil sa takot yung kinuwento ko sa kanya ang nangyare.


Lumipas ang isang linggo, pumunta yung  bf ko ng tanghaling yun sa bahay para mag sleep over ng gabi at para makita din nya ang bahay. Nilibot nya ang lugar pati na rin ang kabilang bahay tinignan nya, ganun din yung dalawang cr na magkatabi. Pagkabalik namin sa bahay, sinabi nya may namatay na dun. Hindi nya lang masabi kung pano at bakit.


Dahil unang beses bumisita ni bf sa bahay dun kami pinatulog ng ate ko sa kwarto nila habang sila naman ng bf nya sa baba. Natulog na kami ng maaga kasi may pasok pa sila kinabukasan. Nagising ako ng madaling araw (hindi ko alam kung anong oras) may naaninagan akong lalaking nakatayo at nakadungaw sa bintana tila ba may tinitignan sa labas. Pag aakala ko yung bf ko pero paggalaw ko ng katawan naramdaman kong andun sya sa tabi ko. Iniisip ko na baka si jeffrey, pero ang pagkakaalala ko ay ni-locked namin ang pinto ng kwarto. Ginising ko si bf at sinabi ko sa kanya na may taong nakatayo sa bintana. Nakita din nya yung nakita ko kaya nagmadali syang buksan yung ilaw at pagkabukas nito biglang nawala yung lalake. Binuksan kaagad namin yung pinto at nakita naming tulog si ate at jeffrey. Kinaumagahan sinabi ko sa kanila ang nakita namin ng bf ko. Doon na namin pinilit malaman ang totong nangyare sa bahay na 'yun pero isa man sa mga kapit bahay namin sa compound ay ayaw magsalita kaya't napilitan kaming umalis.


  

Story Archive