Menu

Maymomoo! - Mangamba... manginig... takbo!

The Philippines top horror story archive.

New Horror Stories

Kinata-takutan (Kenotatakutan)

Story Rating:

Ako po si Keno, taga San Jose Del Monte Bulacan. Barangay Po......

A very loud bang inside the office

Story Rating:

It was Saturday, a half-day work at the school where I gradu......

Girl's restroom at the 3rd floor

Story Rating:

I was in the 4th year in college, with an evening schedule a......

Little footprints on the floor

Story Rating:

This happened on October 26th. That was Thursday if I am not......

Naniniwala ka ba sa Sapi?

Story Rating:

Nangyari 'to nung 4th year high school ako, sa school sa Cav......

Doppleganger sa aming Bahay

Story Rating:

Ako nga pala si El. Gusto ko lang i-share yung isang pangyay......

Sleeping Quarters sa BPO

Story Rating:

Pagpasok ko ng sleeping quarters sobrang lamig!Naisip ko tul......

Banyo (Short Story)

Story Rating:

May 3 banyo sa amin pero 2 lang nagagamit kasi ung isa walan......

Estudyante

Story Rating:

1st year college ako that time at SA(Student Assisstant) ako......

Our Staff House

Story Rating:

Nangyari lang to this year. Nagtatrabaho ako sa BPO company ......

Top Horror Stories

Boarding house

Story Rating:

3rd year college na po ako sa isang private school sa Occide......

 Fiction Tito Tope!!!

Story Rating:

Ilang minuto pa ay palakas na ng palakas ang mga galaw ni Ti......

Resort sa Laguna

Story Rating:

Kasalukuyan nag lalagay ako ng shampoo sa buhok ko nang may ......

Ang Liham...

Story Rating:

Parang nawala ako sa sarili ko. Kumikilos ako ngunit hindi n......

 Fiction Titig

Story Rating:

Mga alas tres na ng hapon ay nasa daan pa rin sila Fritz. Al......

Nagambala

Story Rating:

Iba ang naging takbo ng gabing iyon. Madalas ang alulong ng ......

Nanay

Story Rating:

Tobong Occidental Mindoro po kami, that time hindi pa ganung......

Who is She?

Story Rating:

Ito naman ay experience ng pinsan ko. Same BPO kami, siya ka......

Estudyante

Story Rating:

1st year college ako that time at SA(Student Assisstant) ako......

Kasabay

Story Rating:

Tinatahak ko ang mahaba at bako-bakong daan na napapaligiran......

New Fictional Horror Stories

 Fiction Tito Tope!!!

Story Rating:

Ilang minuto pa ay palakas na ng palakas ang mga galaw ni Ti......

 Fiction ANG ALBULARYO

Story Rating:

Hindi na matiis ni Lyca ang mga pananakot ng multo sa kanyan......

 Fiction DEMONYO

Story Rating:

Ilang sandali palamang mula sa aking pagkakaidlip ay sigaw a......

 Fiction Don't Let Anyone To Be Alone

Story Rating:

2nd year college nako nun,since semestral break ko palang nu......

 Fiction Ang Lumang Bahay (Short Story)

Story Rating:

Noong Grade 4 Palang ako nagtatrabaho si mama bilang tagaban......

 Fiction ANG BABAE SA OLD BUILDING

Story Rating:

Tinitigan ko ang larawan at laking gulat ko ng biglang lumin......

 Fiction SUMPA

Story Rating:

"SUMPA"marami sa atin ang naniniwala sa sumpa at marami din ......

 Fiction Behind the wall

Story Rating:

Umiyak na lamang si jake habang pinapanood ang mga taong naa......

 Fiction Baby Rhyme

Story Rating:

Dala-dala ni angie ang PT na binili sa Pharmacy bago umuwi n......

 Fiction Another life

Story Rating:

5 am ng muling imulat ni bloosom ang mga mata. Inilibot ito ......


Pinoy Horror Story



Story Rating

Rated (2/5)
by 1 user(s)


Ako po si Keno, taga San Jose Del Monte Bulacan. Barangay Poblacion to be exact. Ngayon lang po ako magseshare ng mga kababalaghang nangyari sa aking buhay nung bata pa po ako. Tawagin nyo na lang po ako sa pangalang Baymax dahil nickname ko din po yan. Yun nga po, bata pa po ako nun at hindi pa tuli nang simula nang makakita ng mga kung ano-anong kababalaghan sa aming paligid. May third eye daw po ako nun kaya ung mga nakikita ko ay hindi nakikita ng mga normal na tao, so abnormal pala ako nun.


 


Ako po at ang aking pinsan, itago na lang natin sa pangalang Jejemon ay nagkukwentuhan malapit sa aming tahanan. Nung ako po ay tumingala may nakita po akong isang nilalang na kulay lupa na nakaupo sa sanga ng mangga, napakalaking tao po nya, hindi ko alam kung tao ba talaga yun pero wala namang tao na kulay lupa. Ang buhok po nya ay buhaghag na parang sa mga taong grasa, naka side view po sya kaya hindi ko maaninag ang buo nyang mukha. Tinanong ko si Jejemon kung nakikita nya ba ang nakikita ko sa taas ng mangga, bigla ba namang tumakbo ang hinayupak at iniwan ako dun. Eh di ano pa nga bang gagawin ko di tumakbo na din ako sa takot.


 


Pangalawa, yung mama ko po inutusan akong magsoli ng mangkok sa kapitbahay, itago na lang natin sya sa pangalang Mama Bebs. Sabi ni Mama Bebs sakin, anak isoli mo nga itong mangkok kay Aling Bebang. Gabi na po iyon mga alas 10 pasado na, talahiban pa yun nun samin pababa dahil parang bundok po dati ang Poblacion. E di yun na nga, nasoli ko na ung mangkok, p*!@#$% bigla ba namang may sumabay sakin na nakaputing damit at babaeng mahaba ang buhok sa gilid ko paakyat ng bahay namin! Eh di sa takot ko sumubsob ung mukha ko kasi nadapa ako, puro sugat inabot ko sa lintek na white lady na sumabay sakin nung gabing yun! Nanginginig ako sa takot, imbes na comfort ang ginawa ni Mama Bebs, napalo pa tuloy ako sa pwit. Bwisit!


 


Pangatlo, nasa Mindanao pa kami nun at hindi pa ako Manila Boy, sa bahay naming malaki at mala haciendang bakuran. Sa second floor ako natutulog kasi nandun yung malaking kwarto ko, sarili ko yun kasi mayaman kami nun e. You know! Nagising ako ng alas 3 ng madaling araw kasi naiihi na ako nun,


nasa baba pa yung CR namin, tangina mayaman kami pero wala ako sariling banyo sa kwarto lintek na yan! So yun na nga, pagbaba ko sa ground floor, may malaki kasi kaming aquarium don syempre naka sindi lang ilaw nun kaya dim light so lahat patay na ilaw except dun sa ilaw sa aquarium namin. Pagkaihi ko, napatitig ako sa aquarium namin, ung aquarium namin katabi nun ay yung malaking haligi ng bahay na pa-square. Madilim dun sa bandang yun ng bahay. May nakita ba naman akong taong itim na dinuro ako, P*@#$%! sa laki kong ito na gaya ni Baymax natakot ako! Nawala antok ko at napatakbo sa kwarto ng Mama ko sa ground floor, dun na ako humiga, dun sa lapag, nakadapa ako nun kasi natatakot pa din ako, yung sliding door namin medyo nakabukas so dun ako nakatingin, putangina ung lalaking itim naging baboy! kitang kita ko apat ang paa na parang baboy!! nagtalukbong na lang ako nun sa takot! bahala na si batman!!


 


Kinabukasan tinanong ko si Mama, Ma!!! May alaga ba tayong baboy dito sa bahay!? Sabi ng Mama ko, oo anak, ikaw yun.


 


 


At dyan nagtatapos ang aking kwento. Bow!


  

Story Archive